.
< Back

Guide to Confession

(You may look at this on your smartphone in airplane mode while you confess.
Ang Tagalog ay nasa baba.
Maaari nyong tingnan ito sa smartphone na naka airplane mode habang nangungumpisal.
Download short version for printing in Word or pdf.)

RITE OF CONFESSION

(Make sure you have made an examination of conscience first, below).

1. YOU make the sign of the cross saying:
In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen.

PRIEST: “May the Lord be in your heart and help you to confess your sins with true sorrow”.

2. YOU say: Bless me, Father, for I have sinned. My last good Confession was [state how long ago more or less]. These are my sins:[state your sins now].

The PRIEST will give you a short advice and the penance (a prayer you will say after you leave).

3. YOU say the act of contrition, for example:Lord Jesus, Son of God, have mercy on me, a sinner

The PRIEST absolves you: “God, the Father of mercies, through the death and resurrection of his Son has reconciled the world to himself and sent the Holy Spirit among us for the forgiveness of sins; through the ministry of the Church, may God give you pardon and peace, and I ABSOLVE YOU FROM YOUR SINS IN THE NAME OF THE FATHER, AND OF THE SON, + AND OF THE HOLY SPIRIT.”

4. YOU reply: Amen.

The PRIEST may add “May the Passion of Our Lord Jesus Christ, the intercession of the blessed virgin Mary and of all the saints, whatever good you do and suffering you endure, heal your sins, help you to grow in holiness, and reward you with eternal live. Go in peace”.

5. YOU may leave and pray the penance.

REMINDERS:

  • If needed just ask the Priest to help you anytime.
  • Do not be ashamed, afraid or worried.
  • BEFORE CONFESSION, make an examination of conscience (below).

EXAMINATION OF CONSCIENCE (Before Confession)

Remember that you are in the holy presence of God. Ask for light and humility, and then sincerely try to recall your sins since your last good confession. For mortal sins (i. e., those involving grave or serious matter, done with full knowledge and perfect consent), recall the number of times or how often, to the best of your ability. One way of recalling your sins is to go over the TEN COMMANDMENTS. Here are some questions that may help:

1. Did I seriously doubt my faith, or put myself in danger of losing the Faith through bad readings or joining non-Catholic sects? Did I engage in superstitious practices: palm-reading, fortune telling?

2. Did I use the name of God in vain by cursing, by swearing uselessly or making a false oath? Did I commit sacrilege by receiving communion in the state of mortal sin without first going to confession? Did I purposely omit some mortal sins in my previous confession out of shame?

3. Did I miss Mass on Sundays or holy days of obligation, through my own fault, without any serious reason? Did I fast and abstain on the prescribed days?

4. Did I fulfill my family obligations? Did I disobey my parents and lawful superiors in important matters?

5. Did I hate, desire revenge or quarrel with anyone? Did I omit my obligation to help others? Did I get drunk or take narcotic drugs? Did I consent to, recommend, advise or actively take part in an abortion? Did I harm my neighbor’s spiritual life through my advice, manner of dressing or bad example?

6. Did I commit impure acts alone or with other persons? Did I make improper use of marriage through contraceptive pills or other artificial means to prevent having children? Did I willfully watch indecent movies, look at indecent pictures, or read immoral books and magazines? Did I engage in impure jokes and conversations?

7. Did I steal or cause damage to another’s property? Have I made reparation for any injustice I have committed? Have I been honest in all my dealings?

8. Did I tell lies? Did I criticize, gossip, or destroy the good name of others? Did I judge others rashly? Have I made reparation for the defamation of others I have caused?

9. Did I willfully entertain impure thoughts or feelings? Did I consent to lustful desires?

10. Was I jealous or envious of the good of others? Was I materialistic and selfish in my attitudes?

AFTER CONFESSION

Give thanks to God for the grace of reconciliation that you have just received. Promptly and devoutly fulfill the penance given by the priest. If you remember some grave sin you forgot to tell, it has been forgiven with the others but you have the obligation to bring it to your next Confession. Frequently renew your resolution never to sin again and ask God for help to be always in his friendship by remaining in the state of grace.


RITO NG PAKIKIPAGKASUNDO

(BAGO MANGUMPISAL ay magsusuri ng budhi – examination of conscience – sa baba)

1. Pagkukrus: “Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PARI: “Ang Diyos ay liwanag ng ating puso. Pagkalooban ka nawa niya ng kanyang awa at aminin mo nawa ang iyong mga pagkakasala ayon sa katotohanan.”

2. Sabihin sa pari: “Padre, Basbasan mo po ako dahil ako’y nagkasala. And huli ko pong pangumpisal ay … [sabihin kung mga kailan]. Ito po ang aking mga kasalanan:… [sabihin ang mga kasalanan]”

Ang PARI ay magbibigay ng ilang payo at ang “penance” (na idarasal pagkatapos mangumpisal).

3. Sasabihin mo ang pagsisisi: “Panginoong Hesus, Anak ng Diyos, ako na isang makasalanan ay inyo pong kaawaan.

Sasabihin ng Pari: Ang Diyos ay  maawain nating Ama. Pinagkasundo niya ang mundo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ng kanyang Anak. Sinugo niya ang Espiritu Santo para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Pagkalooban ka niya ng kapatawaran at kapayapaan sa pamamagitan ng paglilingkod ng Simbahan. AT NGAYON IKA’Y PINAPATAWAD KO SA IYONG KASALANAN SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK + AT NG ESPIRITU SANTO.

4. Isasagot mo: Amen.

Maaring idagdag ng Pari: “Pinatatawad ng Panginoon ang mga kasalanan mo. Taglayin mo sa iyong pag-alis ang kanyang kapayapaan.”

5. Maaari ka nang umalis at idasal ang penance.

MGA PAALALA:

  • Kung kinakailanga’y tutulungan ng Pari ang nagsisisi na makapagkumpisal nang buo, bibigyan ng nauukol na payo, at hihimuking magtika ng lubos.
  • Huwag mahiya, hwag matakot, huwag magalala…
  • BAGO MANGUMPISAL ay magsusuri ng budhi (examination of conscience)

PANALANGIN BAGO MAGKUMPISAL:

Panginoon, gawaran mo ako ng liwanag na makita ko ang aking sarili kung papaano mo ako nakikita at ng grasya para tunay kong mapagsisihan ang aking mga kasalanan. O Maria, tulungan mo akong makapagsagawa ng mabuting pangungumpisal. Amen

PAGSUSURI NG BUDHI BATAY SA SAMPUNG UTOS NG DIYOS:

[1]   Ako si Yaweng iyong Diyos. Huwag kang magkakaroon ng ibang Diyos sa harap ko. Nagdarasal ba ako araw-araw? Pinagdudahan o itinanggi ko ba ang pag-iral ng Diyos? Itinanggi ko ba ang aking pagiging Katoliko o tinalikdan ko ba ang aking pananampalataya? Naniwala ba ako sa mga pamahiin, hula, anting-anting, etc. Nangumunyon ba ako nang may kasalanang mortal?

[2]   Huwag mong gamitin nang walang katuturan ang pangalan ni Yaweng iyong Diyos. Ginamit ko ba ang pangalan ng Diyos sa pagsumpa o bagay na walang katuturan? Nagalit o nagtampo ba ako sa Diyos lalo na kapag hindi nasagot ang aking dasal? Ginamit ko ba ang pangalan ng Diyos sa pagsumpa sa kapwa? Nang-insulto ba ako ng mga santong tao o mga banal na bagay? Natupad ko ba ang aking mga sinumpaan o pangako?

[3]   Alalahanin mo ang Araw ng Pahinga at pabanalin ito. May mga araw ba ng Linggo o Piyestang pangilin na sinadya kong hindi makasimba? Pinipilit ko bang maging araw para sa pamilya at araw ng pahinga ang Linggo? Nagtatrabaho ba ako kapag Linggo kahit hindi naman masyadong kailangan? Maaga ba akong dumarating sa misa? O maaga akong umaalis kahit hindi pa tapos ang misa? Nakikiisa ba ako sa misa sa pamamagitan ng pagtugon o pagkanta, o nakaupo lang ako at nanonood sa misa.

[4]   Igalang mo ang iyong ama at ina. Iginagalang ko ba at sinusunod ang aking mga magulang? Nakakaligtaan ko ba ang aking mga tungkulin sa aking asawa at mga anak? Nabibigyan ko ba ng mabuti at relihiyosong halimbawa ang aking pamilya? Nakakapagdala ba ako ng kapayapaan sa aking tahanan? Naaalagaan ko ba ang mga nakatatanda sa akin lalo na ang aking mga kamag-anak?

[5]   Huwag kang papatay. Nakagawa ba ako ng abortion, sterilization, mutilation o nakapanghikayat ba ako ng ibang tao para isagawa ang mga bagay na ito? Nakapanakit ba ako ng kapwa? Inabuso ko ba ang aking sarili sa pamamagitan ng masyadong pag-iinom ng alak at paninigarilyo? Naka-iskandalo ba ako ng kapwa na nagdulot ng kanilang pagkakasala? Masyado ba akong nagalit sa aking kapwa?

[6]   Huwag kang makikiapid. Ako ba ay tapat sa aking mga pangako sa kasal, sa isip at gawa? Nakipagtalik ba ako ng labas sa aking buhay may-asawa? Gumamit ba ako ng mga contraceptives at artificial birth controls sa pakikipagtalik? Nagkaroon ba ako ng malalaswang imahinasyon na nagdala sa aking gumawa ng kahalayan sa aking sarili? Ako ba ay nagka relasyon sa kapareho kong kasarian?

[7]   Huwag kang magnanakaw. Ako ba ay nakakuha ng hindi akin? Na-isauli ko ba ito o napagbayaran? Ako ba ay nagsusugal at napapabayaan ang pangangailan ng aking pamilya? Mabilis ba akong magbayad ng utang? Nagbabahagi ba ako ng aking makakaya sa mahirap o madamot ako? Nandaya ba ako o naghikayat sa ibang tao na magnakaw?

[8]   Huwag kang sumaksi nang mali laban sa iyong kapwa. Ako ba ay nagsinungaling? Nang-tsismis ba ako ng aking kapwa? Nanirang puri ba ako ng aking kapwa? Nanlait ba ako o masyado akong negatibong mag-isip ukol sa aking kapwa? Iniingatan ko ba ang mga sekreto o ibinubunyag ko ang mga ito?

[9]   Huwag mong pagnanasahan ang maybahay ng iyong kapwa. Nagkaroon ba ako ng malalaswang isipin ukol sa maybahay ng aking kapwa? Nakapagbasa, nakapanood, nakipag-usap ba ako ukol sa malalaswang bagay? Sinisikap ko bang kontrolin ang aking imahinasyon? Nagdarasal ba ako para lumayo ang ganitong mga tukso?

[10] Huwag mong pagnasahan ang bahay ng iyong kapwa. Naiinggit ba ako sa kayamanan ng aking kapwa? Nalulungkot ba ako pag sinuswerte ang aking kapwa o natutuwa ako pag minamalas ang aking kapwa? Ako ba ay makasarili? Ang mga materyal na bagay ba ang tanging hangarin ko sa aking buhay? Nananalig ba ako sa Diyos na bibigyan Nya ako ng aking mga pangangailangang materyal at espiritwal?

PAGKATAPOS AY DASALIN ANG PAGSISISI:

Panginoong Hesukristo, ako ay nagkasala laban sa Iyong kabutihang walang hanggan. Ako ay nagsisisi ng buong puso at nangangako na hindi na muling magkakasala sa tulong ng iyong mahal na grasya. Amen.

(from Fr. Robert A. Latorre, Theological Centrum Manila)